Si Nonoy
Ni: Emma Bicolana
Sa isang payak na bahay sa Calabanga, nakatira ang batang si Nonoy. Siya ang ikalawang anak nina Manny at Salve. Marami ang nasisiyahan sa kanya dahil sa kanyang matambok na pisngi at maputing balat. Matatakutin siyang bata. Mabilis din itong umiyak. Kaya, madalas siyang tuksuhin ng kanyang ate na si Ella.
Isang gabi, nang naghahanda na ang lahat sa pagtulog ay nakaramdam ng kakaiba si Nonoy. Kinamot niya ang kanyang malaking tiyan. Walang kakaiba. Tiningnan niya ang kanyang nanay. Wala namang bago. Normal lang ang lahat habang nagtatali ito ng kulambo. Tiningnan niya ang kanyang tatay. Lalo namang walang kahinahinala. Pagod siya sa trabaho kaya halos tulog na siya. Tiningnan niya ang kanyang ate. Walang kadudaduda. Malaki pa rin ang kanyang mga mata at naglilinis pa rin ng kanyang ilong gamit ang hintuturo.
“Ate, itatabi ko ‘tong alkansya ko sa pagtulog ha? Baka kasi mawala na naman ito, eh.”, wika ni Nonoy.
Hindi sumagot ang ate niya. Sumimangot lang ito na tila ba naabala pa sa ginagawa.
“Bakit Noy? Magkano ba ang laman niyan?” , tanong ni Salve. Ngayon ay tapos na siya sa pagtali.
“Labindalawang piso na ito, Nay!”, masiglang sagot ni Nonoy.
“Ay! Hehe. Ang dami niyan, Noy. Nakakaawa ka. ”, panunukso ng ate niya. Tapos na rin ito sa ginagawa. “
Si ate talaga. Nay oh! Inaaway ako ni ate! “, maluhaluha nitong sabi.
“Tama na yan ha. Tulog na ang tatay ninyo. Sige na, Noy. Itabi mo na yan sa pagtulog. Ikaw naman Ella, tigilan mo na yang panunukso sa kapatid mo. “, pangaral ni Salve.
Sumingot-singot si Nonoy. Halatang pinipigil niya ang sarili sa pag-iyak. Namumula na ang kanyang singkit na mga mata. Kinuha niya ang kanyang alkansya at itinabi sa higaan.
“Pasensya ka na ha? Di muna kita ngayon bibigyan ng pera”, pagkausap niya sa kanyang alkansya na itinuring niya nang kaibigan. Sa halip na ihulog ang mga barya sa kanyang alkansya ay isinilid niya ang mga ito sa kanyang bulsa.
Maya-maya pa ay nakatulog na ang lahat. Malakas na ang hilik ni Manny. Si Salve naman ay nakayakap kay Ella. Si Nonoy naman ay katabi ang kanyang alkansya. Subalit naramdaman ni Nonoy na may dahan-dahang kumukuha nito. Pag dilat niya ng mga mata, gumagalaw mag-isa ang alkansya!
“Ang alkansya ko!”, sigaw ni Nonoy.
Walang kamalay-malay ang kanyang mga kasama sa kababalaghang nangyayari. Sinubukan niyang tumayo pero nangangatog pa ang kanyang mga tuhod. Dahan-dahan siyang tumayo. Lumabas siya ng bahay nila. Nakita niya ang malaking paniki. Malakas at mabilis ang pagkampay ng mga pakpak nito. Lalong natakot si Nonoy. Pero, naalala niya ang sinabi ng kanyang ate na hindi nakakatuwa ang isang batang matatakutin.
“Matapang ako!”, sigaw niya sabay hinga nang napakalalim. “Di ako maaaring magpatalo sa takot ko!”, pagpapakalma niya sa sarili.
Nang akma na siyang sasakmalin nito, nakaiwas siya.
“Ayos!”, bulalas ni Nonoy. “Tama nga si Ate. Kaya ko talagang labanan ang takot ko!”, pagbubunyi niya.
Pero nakita niyang marami pang mga higanteng paniki ang papasok sa kanilang bahay. Tumapang ang kanyang mukha. Pinunas ang sipon at mga nagbabadyang luha sa mata.
“Ibig sabihin, kayo ang kumukuha ng aking mga barya!“, mariing tugon niya.
“Hahaha. Sa tingin mo ba ang alkansya mo ang nais naming makuha? Diyan ka nagkakamali. Kukunin ko na ang ate mo.” , nakakatakot na sigaw ng isa sa mga paniki.
“Kukunin?”, napaatras si Nonoy. “Bakit sa lahat ng bata ay ate ko pa ang kukunin ninyo? Hi- Hindi siya nakakatuwa. Nakakatakot ang mga mata nun. Isa pa, nakakadiri ang mga daliri niya dahil wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mangulangot! “, walang humpay na pangungumbinsi niya.
Alam niyang napaniwala nman niya ang mga paniki. Nang nagsisimula nang magdiwang si Nonoy...
Bog!
“Anong sabi mo? Nakakadiri ako?” , ang bulyaw ni Ella sabay pukpok ng kahoy sa ulo ni Nonoy.
“Aray!”, sabi ni Nonoy sabay kamot sa kanyang ulo. Para tuloy nagsisisi na siya na iniligtas niya ang kapatid. Nang ibaling niya ang tingin sa mga paniki ay naglaho na silang parang bula.
“Haaay. Salamat naman at wala na sila.”, ani ni Nonoy. “Halika na ate. Ligtas ka na. Hindi ka na kukunin ng mga paniki.”, dagdag pa niya.
Ngumiti ang kanyang ate at nagwika, “ Magaling, Noy. Dahil hindi ka na matatakutin na bata, aaminin ko na ang totoo. Ako ang kumukuha sa alkansya mo. Pero dahil nakuha na iyon ng mga paniki, babayaran na lang kita.”
Nang marinig iyon ni Nonoy, nainis na naman siya. Ang ate niya pala ang matagal nang kumukupit sa alkansya niya. Kumaripas siya ng takbo papasok ng bahay para magsumbong sa mga magulang. Pero, habang paakyat na siya sa hagdan ay natapilok siya at bumagsak sa sahig.
Umaga na. Paglabas ni Nonoy sa kwarto ay nagtatawanan ang kanyang pamilya. Dinig na dinig nya ang tinig ng kanyang ate na masigla sa pagkukwento.
“Nonoy, gising ka na pala.”, naiwika ni Salve.
“Ikinukwento ng ate mo na nagsasalita ka raw kagabi habang natutulog.”
“Oo kaya! Pagulong-gulong ka pa nga sa higaan.”, biglang sabat ni Ella. “Pagkatapos ay isinisigaw mo na nawawala ang alkansya mo!”, dagdag nito.
“Hindi! Hindi iyon panaginip! Totoo iyon!”, paiyak na wika ni Nonoy na nalillito na rin sa narinig niya.
Tumakbo siya sa labas. Wala roong bakas ng mga paniki. May malaking kumot lang na nakasabit sa sampayan. Nagtaka rin siya dahil sa sirang sanga ng puno ng bayabas. Hinawakan niya ang ulo. Ramdam pa niya ang sakit ng pagpalo ni Ella sa ulo niya. Kaya sigurado siya na hindi iyon basta panaginip lang. Pati ang tuhod niya nga ay masakit pa dulot ng pagkakadapa. Hinawakan niya ang kanang siko niya. May gasgas. At..
“Ang mga barya ko!”, biglang naalala niya habang hinahagilap ang mga ito sa kanyang bulsa.
Pero wala na ang kanyang mga barya. Sa may hagdan ay nakita niya ang kumikislap na mga barya.
“Panaginip lang ba talaga iyon?”, marahang tanong ni Nonoy sa sarili habang nanlalaki ang mga mata.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento