Sa mga naghahanap diyan ng BF!
Wanted Perfect B.F.
Ni: Emma Bicolana
Pindutin mo ko mula ulo hanggang paa,
Haplusin mo ko mula gabi hanggang umaga,
Wag lamang ang lakas ay susobra,
At baka katinua'y tuluyan nang masira.
Kilitiin mo ang bawat sulok ko at kurba,
Gamitan ng malalambot na hibla,
Nang pinong mga lihim ko'y mawala,
At tuluyan na saiyo'y isiwalat na.
Mga titik ko'y iyong nagagawa,
Maging makabuluhang mga katha,
Tila baga nagbuklod sa'ti'y mahika,
Keyboard na tulad ko'y iyo nang kapareha.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento