Iponsyap Mo!
Ni: Emma Bicolana

Kung naisasangla ang pagkapanganay,
Magkano kaya?
Pasok ba sa isang libong gabi
Na walang insomya?
Sakto lang ba ang limang daang diploma
Na ipamumudmod sa iba ?
O baka naman talagang isang daang ulit
Lang na ninipis ang mukha?
Kung pweda ba?
Magkano kaya?
O baka naman wala,
Ni isang tataya,
Dahil ni op sayo, wasa!



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Tutula na si Ma'am (Para sa mga gurong may puso!)

Sa mga naghahanap diyan ng BF!